Ang iba't ibang paniniwala gaya ng sa pamahiin at sa kung ano pa mtang nakikita ng mapagmasid nating mata ay bahagi ng kulturang pinoy. Naniniwala ka ba dito? Narito ang ilang mga kwento ayon dito.
Tuesday, August 17, 2010
Ikaw Nalang ang Kulang ni Jedidia Ella Buhat
Isang magandang halimbawa ang nangyari sa magkakapatid na sina Aling Tesi, Mang Caloy, Mang Andres at Inang Mering. Puros mga matatanda na ang magkakapatid. Maganda ang naging bahay, negosyo at mga ari-arian. Samantala, sina Aling at Mang Caloy ay hindi pinalad dahil hindi nakatapos kahit elementarya lamang.
Dahil nga sa hirap ng kanilang buhay ay hindi matustusan ang kanilang pangangailangan gaya ng gamot, masustansyang pagkain, gatas at paminsang-minsang pagpapatingin ng kalusugan sa doctor. Sa kalagayang ito, maagang namatay sina Aling Tesi at Mang Caloy. Sapagkat mas maluwag sa buhay ang mga natitira pa nilang dalawang kapatid. Napagdesisyunan nilang ipagawa ng kapilya at pinadagdagan pa ang nitso nito. Imbis na dalawa lamang ay ipinasadya na nilang gawing lima. Hindi sila naniwala o nabagabag man lamang sa mga sabi-sabing masama ito.
Lumipas ang dalawang taon, nakatanggap si Inang Mering ng tawag mula sa anak ni Mang Andres. Ibinalita nito na ang kanyang ama ay binawian na ng buhay bandang alas tres ng madaling araw dahil sa atake sa puso. Nagdaan lang ang ilang buwan ay ang panganay namang anak ni Inang Mering ang pumanaw dahil sa isang aksidente.
Ang tatlong bakanteng nitso ay napunan na sa pamamagitan ng pagkamatay ng magtyuhin. At sumunod pa dito si Inang Mering na namatay dahil sa breast cancer.
Hindi na inulit ng mga kaanak nila ang pagpapasobra ng nitso. Kung mapapansin natin parang lumalabas na naghihintay ng mamamatay ang naturang nitso. Kaya ikaw wag ka ng gumaya dahil kapag nagkataon baka ikaw ang sumunod at masabing ikaw nalang ang kulang.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment